101 flights kanselado mula Biyernes hanggang Linggo dahil sa Bagyong Ompong

Tatlumput dalawang flights kagabi ang nakansela dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong Ompong.

Batay ito sa flight advisory number 9 ng Manila International Airport Authority – Media Affairs Office.

12 sa mga flights ang international, habang 20 naman ang domestic.

Kabilang dito ang mga flights ng Xiamen Airlines, Air China, China Southern, Jeju Air, Philippine Airlines, Cebu Pacific, CebGo, Dutch Royal Airlines, Airswift, at Skyjet.

Samantala, para sa araw na ito ng Sabado, 57 flights ang kanselado. 9 dito ang international flights, at 48 ang domestic.

Para naman bukas, araw ng Linggo, 10 international at dalawa ang domestic.

Sa kabuuan, 101 flights ang kanselado dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa MIAA, makipagcoordinate ang mga apektadong pasahero sa kanilang mga airline companies para sa rebooking o refund ng kanilang scheduled flight.

Read more...