Sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang drug dependent ay pwedeng boluntaryong sumuko para sa rehabilitasyon ng minimum na 6 buwan.
Nasa ikalawang taon na ang war on drugs ng administrasyong Duterte at sa mga unang buwan ay lumobo ang bilang ng mga sumukong drug users.
Pero ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, halos 1 milyon pa ng drug surrenderers ang hindi pa sumailalim sa community-based drug rehab program.
Ayon kay Durana, ang bilang ng patay sa anti-drug operations ng pulisya ay hindi magandang paraan para sukatin ang epekto ng kampanya kontra droga.
Patuloy anyang pinagbubuti ang kampanya na nangangailangan ng pagbuo at implementasyon ng recovery and wellness programs para sa drug dependents.
Hinimok ni Durana ang mga lokal na pamahalaan at civil society organizations na tulungan ang PNP sa pagsusulong ng rehabilitation programs para matiyak ang pagbabago ng gumagamit ng droga.