DSWD may P779M na standby fund

DSWD Photo

May nakahandang P779,597,203.21 standby fund sa Central office at Field offices ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para rumesponde sa epekto ng bagyong Ompong.

Sa nasabing pondo, P734,266,693.00 ang nakahanda para sa Quick Response Fund ng central office.

Umaabot naman sa kabuuang 336,164 Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P109,247,812.93 at Food and Non-food Items (FNIs) na nagkakahalaga ng P715,012,663.19 ang nakahanda na rin.

Samantala, base sa Predictive Analytics for Humanitarian Response ng DSWD, nasa mahigit na isang milyong pamilya ang lantad sa panganib ng pagbaha at landslide sa susunod na 72 oras.

Sa nasabing bilang, mahigit na 200,000 pamilya ay nabibilang sa hanay ng mahihirap.

Read more...