Signal No. 4 itinaas na sa Cagayan at Northern Isabela dahil sa TY Ompong

Lalo pang bumilis ang kilos ng Typhoon Ompong habang nagbabanta pa rin sa Isabela-Cagayan area.

Huling namataan ang bagyo sa 340 km Silangan Hilangang Silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyon west northwest.

Taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras.

Nakataas na ngayon ang public storm warning signal number 4 sa Cagayan at Northern Isabela.

Kapag bumayo na ang lakas ng hangin sa ilalim ng signal number 4 ay kakayaning maiangat ang sasakyan at mahihirapan nang tumayo ang isang tao.

Signal number 3 naman sa sumusunod na lugar:

 

 

Signal Number 2:

 

Signal Number 1:

Ayon sa PAGASA sa pagitan ng ala 1:00 ng madaling araw at alas 3:00 ng madaling araw inaasahang tatama sa lupa ang bagyo.

Sinabi rin ng PAGASA na maliit na ang tsansa na magtaas pa ng hanggang public storm warning signal number 5.

Read more...