Sen. Trillanes aalis lang ng Senado kapag naayos na ang amnesty issue

Kuha ni Erwin Aguilon

Sa kabila ng pag gagarantiya ng security officials, tulad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, wala pang balak si Senator Antonio Trillanes IV na umalis sa Senate building hangga’t hindi naayos ang issue ng pagpapawalang bisa sa amnestiyang iginawad sakanya.

Sa isang press conference ngayong Biyernes, sinabi ni Trillanes na ito ang ipinayo sa kaniya ng kanyang mga abogado.

Ani Trillanes, kung lumabas siya ng Senado sa gitna ng isyu sa amnesty ay hahanapin at aarestuhin umano siya na maaring ipag-utos ni Pangulong Duterte.

Kapag nangyari umano ito ay wala nang silbi ang assurance na ibinigay ni Lorenzana sa kanya dahil tiyak na ang utos ng pangulo ang masusunod.

Nauna nang sinabi ni Lorenzana na walang utos na arestuhin o sundan si Trillanes, matapos sabihin ng Senador na mayroong mga lalaking nakabihis sibilyang sakay ng motorsiklo ang sumunod sa kanyang sasakyan nang lumabas ito sa Senado.

Hinamon ni Trillanes, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, sa Korte Suprema ang Proclamation 572 na nag papawalang bisa sa kanyang amnesty.

Read more...