Transmission line ng NGCP sa Northern Samar naapektuhan ng TY Ompong

FILE

Isang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang bumagsak dahil sa masamang panahon.

Sa report na nakarating sa NGCP alas 2:00 ng hapon, naapektuhan ng bagyong Ompong ang 69 kilovolts na Palanas Cara-Catarman-Allen-Lao-Ang.

Apektado ng bagsak na transmission line ang mga customer ng Northern Samar Electric Cooperative o NORSAMELCO.

Kaugnay nito, nagpadala na ang NGCP ng line crew at nagsasagawa na ng aerial at ground patrol sa lugar para malaman ang pinsala ng bagyo ay kung paano mabilis na makukumpuni ang apektado nilang pasilidad.

Dalawa naman ang nakikita ng NGCP na dahilan ng posibleng power interruption sa lugar, ang nasira nilang transmission line at problema sa local distribution facilities o mga electric cooperative.

Read more...