Halos 10,000 katao na ang inilikas dahil sa bagyong Ompong na nagbabantang manalasa sa Northern Luzon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kanilang pagtaya, nas 5.2 milyong katao ang posibleng maapektuhan ng bagyo sa mga daraanan nitong lugar.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Dir. Edgar Posadas, sa nasabing bilang ay 983,100 ang mga indbidwal na nasa poverty line o mahihirap.
Sa ngayon, 2,298 na pamilya na ang nailikas o binubuo ng 9,107 na katao sa Ilocos, Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon sa NDRRMC, ang Isabela ang maaring makaranas ng pinakamatinding pinsala ng bagyo gayundin ang Cagayan.
MOST READ
LATEST STORIES