WATCH: Binabayo na ng malakas na hangin at ulan ang ilang bayan sa Cagayan

Kuha ni Erwin Aguilon

Binabayo na ng malakas na hangin at buhos ng ulan ang ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Sa pag-iikot ng team ng Radyo Inquirer, malakas na hangin na ang nararanasan sa bayan ng Gonzaga at Sta. Teresita.

Sa lakas ng hangin may mga sanga na ng puno na nagliliparan.

Sa forecast ng PAGASA ang bagyong Ompong ay tatami sa kalupaan ng Cagayan o Isabela area, Sabado ng madaling araw o umaga.

Read more...