Pope Francis makikipagpulong sa mga obispo at kardinal ng US

AP

Nakatakdang makipagkita si Pope Francis sa mga obispo at kardinal ng Estados Unidos upang pag-usapan ang tungkol sa panibagong ulat ng mga nagaganap na sexual abuse ng mga pari.

Partikular na makakapulong ng Santo Papa si Cardinal Daniel DiNardo na siyang pinuno ng US Conference of Bishops at Cardinal Sean O’Malley na siya namang nagbibigay ng advise kay Pope Francis tungkol sa mga isyu ng sexual abuse.

Ang naturang pulong ay bunsod ng paglalabas ng isang report tungkol sa sexual abuse ng mga pari sa Pannsylvania. Bukod pa ito sa pagbibitiw sa pwesto noong Hulyo ni US Cardinal Theodore McCarrick.

Si McCarrick ay inakusahang nang-abuso ng isang teenager habang siya ay nanunungkulan bilang pari sa New York noong 1970s.

Ayon kay Cardinal DiNaro, maglalatag siya ng plan of actionkay Pope Francis upang mapadali ang pag-uulat ng pang-aabuso o anumang misconduct ng mga obispo.

Samantala, hinimok naman ni dating ambassador to the Holy See Monsignor Carlo Vigano, si Pope Francis na magbitiw sa pwesto dahil sa pagtatakip umano nito kay McCarrick.

Read more...