M5.1 na lindol, naitala sa Sarangani

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang kaaragatang bahagi ng Davao Occidental kaninang alas-12:49 ng hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 406 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim itong 162 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...