Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, activated na ang reporting system ng Department of Interior and Local Government (DILG) para mabilis na makapag-ulat ang mga local government unit na tatamaan ng bagyo.
May nakahanda na rin aniyang mga food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nakaantabay na rin ang mga gamot, medical supplies at medical personnel mula sa Department of Health (DOH).
Nakahanda na rin ang logistics cluster sa pangunguna ng Office of the Civil Defense (OCD) pati na ang air, sea at land asset na maaring ipadala bilang rescue at quick response team.
Sa bahagi aniya ng Batanes ay nakapag-establish na ng mga alternatibong komunikasyon at devices para masigurop na bukas pa rin ang linya ng komunikasyon.
Apela pa ng Malakanyang sa publiko maging alerto.
Sa ngayon, maituturing aniya na 100 percent nang nakahanda ang pamahalaan para sa bagyong Ompong.