Kumpiyansa si Albay Rep. Edcel Salceda na malaki ang maitutulong ng nakatakdang pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kautusan upang bumaba ang inflation sa bansa.
Ayon kay Salceda, kung maipatutupad ang executive order ng pangulo, maaring bumaba sa 6.1 percent ngayong Setyembre ang inflation mula sa 6.4 percent na naitala naman noong Agosto.
Maisasaayos din nito ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng National Food Authority Council at NFA.
Magkakaroon din anya ng “liberation measures” ang executive order na inaasahang ilalabas ng punong ehekutibo.
Nauna rito sinabi ng Malacañang na nakatakdang magsumite kay Pangulong Duterte ang economic managers nito ng draft ng executive order na nagtatanggal ng mga balakid at non-tariff barriers sa pag-aangkat ng iba’t ibang agricultural products kabilang ang bigas at isda.