Sen. Trillanes pinauuwi na ng Malakanyang

Umaapela ang Malakanyang kay Senador Antonio trillanes iv na umuwi na na at huwag nang manatili sa senado.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaaksaya lamang ni Trillanes ang pera ng taong bayan sa patuloy na pananatili sa senado.

Mahigit isang linggo nang nananatili si Trillanes sa senado matapos ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya dahil sa kasong kudeta at rebelyon.

Hindi na lumabas ng senado si Trillanes sa takot na arestuhin.

Ayon kay Roque, tanging ang presidente at bise presidente lamang ang mayroong libreng board and lodging at hindi ang mga senador na kagaya ni Trillanes.

Dagdag pa ni Roque, dapat nang itigil ni Trillanes ang drama at umuwi na sa kanyang bahay.

Una rito, umangal na rin si Senate President Tito Sotto sa gastos sa senado dahil sa pagbabayad ng overtime sa mga security personnel na nagbabantay kay Trillanes.

Read more...