Sa latest weather bulletin mula sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 725 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyo sa Northern Luzon nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa storm warning signal number 1 kabilang ang sumusunod:
(LUZON)
- Batanes
- Cagayan including Babuyan group of Islands
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Isabela
- Benguet
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Nueva Ecija
- Bulacan
- Rizal
- Laguna
- Quezon inc. Polillo Island
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Burias and Ticao island.
(VISAYAS)
- Northern Samar
Sa susunod na 36 na oras ay maaring makaranas ng 30 hanggang 60 kilometers per hour na lakas ng hangin sa nasabing mga lugar.
Sa Sabado tatama sa kalupaan ng northern tip ng Cagayan ang bagyo at sa Linggo ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.