Magat dam magpapakawala ng tubig bago manalasa ang TY Ompong

Bago manalasa ang Typhoon Ompong magpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Cagayan Valley.

Alas 10:00 ng umaga ng Huwebes, Sept. 13 nasa 189.12 meters na ang antas ng tubig sa dam at nalalapit na sa 190-meters na normal elevation level nito.

Dahil dito, alas 2:00 ng hapon mamaya ay magbubukas ng 0.5 meter sa gate ng Magat dam at magpapakawala ng 100 cubic meters per second.

Ang tubig na pakakawalan sa Magat ay dadaloy sa mga bayan ng Ramon, San Mateo, Cabatuan, Aurora, Luna, Burgos, Reina Mercedes at Naguilian sa Isabela.

Read more...