IED natagpuan sa isang sementeryo sa Jolo Sulu

sulu-map-1
Inquirer file

Isang Improvised Explosive Device ang nadiskubre ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Team ng 2nd Marine Brigade sa loob ng Mt. Carmet Cemetery sa Jolo Sulu kaninang umaga.

Sinabi ni BGen. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu na natagpuan ang nasabing bomba na nakalagay sa isang bag at iniwan sa mataong lugar ng nasabing sementeryo.

Naamoy ng kanilang bomb-sniffing dog ang nasabing pampasabog na binubuo ng ammonium nitrate na nakalagay sa isang 10-liter ng plastic container na may kasamang mga pako.

May nakita ring cellophone sa nasabing pampasabog na pinaniniwalaang gagamitin bilang detonator.

Dahil sa pangyayari ay ginalugad ng mga tauhan ng Philippine National Police at mga tauhan ng 2nd Marine Brigade ang buong sementeryo para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Lalo namang hinigpitan ang seguridad sa buong lalawigan ng Sulu dahil sa nasabing pangyayari.

Read more...