Naglabas ng kanilang advisory sa mga pangunahing pahayagan ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo na nagbibigay ng babala para sa mga pulitikong naghahangad ng kanilang suporta para sa 2016 elections.
Nakalagay sa kanilang pabalita na walang pinahihintulutan ang INC na sinuman para mag-solicit o manghingi ng pera para sa sinumang kandidato o partido pulitikal.
Nakalagay din sa kanilang advisory na hindi pananagutan ng pamunuan ng INC kung meron mang nakapagbigay na sa mga nagpakilala na kanilang kasapi kapalit ng pabor sa panahon ng eleksyon.
Hinikayat din nila ang publiko na makipag-ugnayan sa Iglesia ni Cristo Central Office sa No.1 Central Avenue, New Era Quezon City o kaya’y tumawag sa Telephone no. (02) 9814311.
MOST READ
LATEST STORIES