Dating NFA Administrator Aquino posible pa ring kasuhan

Hindi pa tuluyang abswelto sa pananagutan ang nagbitiw na si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino dahil sa kakapusan ng supply ng bigas sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag may nakitang basehan na may kapayapabaan sa hanay ni Aquino, hindi mag-aatubili ang gobyerno na kasuhan ang opisyal.

Pero sa ngayon, sinabi ni Roque na abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahanap ng kapalit ni Aquino.

Ayon sa pangulo, may hinihintay lang siyang isang opisyal na paparetiro na serbisyo.

Kapag nagretiro na aniya ang naturang opisyal, kanya itong itatatalaga para tumutuok sa problema sa supley ng bigas.

Read more...