Lilimitahan na ng gobyerno ang bilang ng mga turista sa Boracay island kapag nagbukas ito sa Oktubre matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, base sa rekomendasyon ng interagency na binubuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Tourism (DOT), nasa 19,215 lamang na turista ang papayagang manatili sa Boracay kada araw habang 6,000 ang tourist arrival kada araw.
Sinabi pa ni Roque na bukod sa paglilimita sa mga turista, lilimitahan na rin ang noise pollution o ingay sa Boracay.
Dagdag ni Roque, tutugunan na rin ng pamahalaan ang solid waste management sa isla.
Matatandaang Abril ng taong kasalukuyan nang iparasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay para bigyang-daan ang rehabilitasyon dahil sa pagiging cesspool na nito.