Pangulong Duterte tiwalang hindi mag-aaklas ang mga pulis at sundalo

Kampante si Pangulong Rodrigo Duterte na walang sundalo at pulis ang mag-aaklas laban sa gobyerno.

Kaya naman naging matapang ang hamon ng pangulo sa grupo ng Magdalo at kay Senador Antonio Trillanes IV na magsagawa ng kudeta.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, expression of confidence lamang ang paghahamon ng pangulo sa mga sundalo na magkudeta.

Sinabi pa ni Roque na sa ngayon, walang banta sa administrasyon at wala aniyang sasama sa mga komunistang grupo para patalsikin sa puwesto ang pangulo.

Una rito, sinabi ng pangulo na nagsasabwatan ang grupo nina Trillanes, komunista, at Liberal Party para magsagawa ng destabilisasyon.

Read more...