Pangulong Duterte ipinahamak ang AFP — Sereno

Ipinahamak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nang ilabas nito ang Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, inilagay ng Pangulo sa delikadong sitwasyon ang AFP dahil sa hindi nito pagkonsulta muna sa pamunuan ng military bago inilabas ang proklamasyon.

Malaki aniya ang implikasyon ng proklamasyon ni Duterte sa ibang sundalo na nagkaproblema rin sa batas.

Binanggit nito ang amnestiya na nakuha nina AFP chief of staff General Carlito Galvez at Senador Gregorio Honasan.

Ang aksyon aniya ng pangulo ay pwedeng magdulot ng pag-alinlangan sa mga sundalo na nabigyan na rin ng amnesty.

Imbes na buo aniya ang AFP ay magkakawatak-watak ito at laging may agam agam sa isyu ng amnestiya.

Read more...