US pumayag na magbenta ng mga Glock pistols sa pamahalaan ng Pilipinas

Youtube

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumayag na si US Senate Foreign Committee Chairman Ben Cardin na magbenta ang America ng armas sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, base sa abiso ng Trust Trade na siyang official distributors ng Glock pistols sa bansa, pumayag na umano si Cardin at iba pang mambabatas na una nang tumututol sa pagbebenta ng 26,000 assault rifles at glock pistols sa Pilipinas dahil sa human rights violations.

Ipinagtataka ng pangulo kung bakit pinapayagan sa US ang pakikialam ng mga mambababas sa functions ng executive department.

Pero ayon sa pangulo, wala na siyang interes na ituloy pa ang pagbili ng armas sa US dahil halos nabigyan na niya lahat ang mga sundalo ng Glock pistols bilang kanilang sidearms.

Sa kanyang public address rin kahapon, ikinatwiran ng pangulo na kailangang bigyan ng baril ang mga sundalo dahil sa ginagawang pag-ambush sa kanila ng mga teroristang NPA lalo na sa mga lalawigan.

Read more...