Ayon kay Alejano, kung totoo man ang natanggap na intelligence report mula sa ibang bansa ni Pangulong Duterte na ikinakasang ouster plot laban sa kanya ng mga miyembro ng Liberal Party, Sen. Antonio Trillanes at ng Communist Party of the Philippines may paglabag ito sa anti-wiretapping law ng Pilipinas.
Dahil dito, hinamon ng kongresista ang pangulo na isapubliko ang kanyang mga ebidensya sa kanyang alegasyon upang malaman ng taumbayan na hindi ito kwentong kutsero lamang.
Kung paninindigan anya ng pangulo ang natanggap niyang intelligence report posibleng maharap muli si Pangulong Duterte sa reklamong impeachment.
Samantala, nanindigan naman si Alejano na hindi gagawin nina Trillanes ang akusasyon ng pangulo sapagkat sumusunod ang mga ito sa Saligang Batas.