Seguridad para sa APEC naka-latag na

apec
Inquirer file photo

Dalawang linggo bago ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit gaganapin sa bansa, nakalatag na ang security blanket sa lahat ng mga lugar na pupuntahan ng mga delegado nito.

Sinabi ni PNP spokesman CSupt. Wilben Mayor na nakapag-sumite na rin sila ng kanilang ulat sa National Intelligence Coordinationg Agency (NICA).

Nauna ring iniulat ng NICA na wala silang namomonitor na threat o banta sa gaganaping APEC meeting pero mananatiling naka-alerto ang mga otoridad.

Simula sa Lunes ay magdaragdag na rin ng puwersa ang PNP dito sa Metro Manila bilang paghahanda sa week-long meeting na magsisimula sa November 16.

Bukod sa dalawampu’t isang world leaders na kinabibilangan ni U.S President Barrack Obama, tatlong libong mga miyembro rin ng international media ang inaasahang darating para sa APEC summit.

Aminado ang PNP na mas pinaghahandaan nila ang inaasahang mga kilos-protesta kasabay ng nasabing event.

Bukod sa mga pulis, kasama rin sa mga magbibigay ng seguridad sa mga delegado ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, national Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Fire Protection (BFP) at Presidential Security Group (PSG).

Read more...