SAP Bong Go pinaiimbestigahan na ni Sen. Trillanes sa posibleng conflict of interest

Tinanggap ni Senator Antonio Trillanes IV ang hamon sa kanya ni Special Assistant to the President Bong Go na paimbestigahan siya sa posibleng conflict of interest sa mga proyekto sa Davao Region.

Inihain ni Trillanes ang Senate Resolution 889 para imbestigahan ang mga posibleng conflict of interest sa mga government contracts na nakuha ng mga kaanak ng mga opisyal.

Sa kanyang resolusyon, nais ni Trillanes ang Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ang magsagawa ng pagdinig.

Pinamumunuan ni Trillanes ang naturang komite.

Binanggit din ng senador sa kanyang resolusyon na sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) malaking bahagi ng pondo ng DPWH para sa public works ang ibinuhos sa Davao Region.

Lumabas din na ang top contractors sa rehiyon ay ang CLTG Builders at Alfrego Builders and Supplies na sinasabing pag aari ng ama at kapatid sa labas ni Go.

Aniya ang CLTG Builders ay nakakuha ng kontrata sa DPWH na may halagang P1.85 bilyon mula 2007 hanggang 2017.

Bukod pa dito ang P2.7 bilyong kontrata noong 2017 kasama ang apat pang contractors kabilang ang Alfrego Builders.

Base pa rin sa PCIJ report nabigo ang CLTG Builders na matapos ang lahat ng kanilang joint-venture projects sa itinakdang deadline.

Nabatid din na ang CLTG ay may B license lang at nangangahulugan na hindi sila maaring mabigyan ng big-ticket project ng walang partner.

Banggit ni Trillanes ang CLTG ay inisyal ng buong pangalan ni Go ba Christopher Lawrence Tesoro Go.

Read more...