Typhoon Mangkhut lumakas pa; signal #1 itataas ng PAGASA mamayang hapon sa ilang bahagi ng Eastern Luzon

Ngayong tanghali ay tuluyan nang papasok sa western boundary ng Philipppine Area of Responsibility ang Typhoon Mangkhut.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo na papangalanang Ompong ay huling namataan sa 1,305 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa kilometers bawat oras .

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, nasa 900 kilometers ang diameter ng bagyo.

Habang nasa loob ng bansa, sinabi ni Perez na maari pa itong lumakas at posibleng umabot sa 220 kilometers bawat oras ang lakas ng hangin na taglay nito at 270 kilometers bawat oras ang pagbugso.

Mamayang hapon ay maaring magtaas na ng public storm warning signal number 1 ang PAGASA sa ilang bahagi ng eastern Luzon.

Read more...