Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na kung magtutuloy-tuloy ang direksyon ng Typhoon Ompong ay ang Southern part ng lalawigan ang tatamaan nito.
Sinabi ni Mamba na maliban sa suspensyon ng klase magpapatupad din sila ng liquor ban sa Biyernes at Sabado bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa bagyo.
“Three days ago, na-alert na namin ang ating diasaster councils sa barangay at munisipyo. Nagkaroon kami ng provincial disaster council meeting at nandito din ang OCD, PAGASA, lahat ng national agencies represented sila. All our provincial offices, ang PNP, Army, Marines, Coast Guard at BFP they are all here, force multipliers natin sila for rescue…. We intent to suspend all levels na bukas ang mga klase at kung tuloy-tuloy ang track ng bagyo we will suspend work also at magkaroon ng liquor ban on Friday and Saturday,” ani Mamba
Ani Mamba, dahil sa leksyon na nakuha nila sa pagtama ng Super Typhoon Lawin sa Cagayan dalawang taon na ang nakararaan target nila ang zero casualty sa bagyong Ompong.
Sinabi ni Mamba na simula bukas ay mapapatupad na sila ng preemptive evacuation sa mga bayan na nasa northern coastal areas.
“All our coastal towns in the North especially sa Sta. Ana, Buguey, Aparri, hanggang doon sa Claveria at Ballesteros, because these are all northern coastal towns. Karamihan din kasi ng sentro-sentro ng mga ito ay along the coast din, ito ay alerted naman na lahat ngayon, at we will be having preemptive evacuation siguro starting tomorrow. We’re trying our best to prepare, we were able to this nung Lawin, kahit na papaano konti ang ating casualties noon. We are trying our best na this time magkaroon tayo ng zero casualty sana tulungan niyo kami, pray for us and help us out,” dagdag pa ni Mamba.