Ayon kay dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas, naghain sila sa korte ng Petition for the Issuance of Status Quo Ante Order at Temporary Restraining Order sa usapin ng minorya.
Sa petisyon ng grupo ni Fariñas, iginiit ng mga ito na dapat ay si dating deputy minority leader Eugene De Vera ang maging minority leader at hindi si Quezon Rep. Danilo Suarez.
Paliwanag nito, bumoto si Suarez pabor sa nanalong House Speaker na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Base anya sa naging pasya ng korte sa Baguilat vs. Alvarez ang bumoto sa nanalong house speaker ay otomatikong magiging kasapi ng mayorya habang ang hindi bumoto pabor at nag abstain ay magiging miyembro ng minorya.
Sa makatuwid anya, mali na si Suarez pa rin ang minority leader at ipalit si De Vera.