Ayon kay LRT-1 Operations Head Rod Bilario, isang pasahero ang aksidenteng napindot ang warning signal ng train door sa Tayuman Station.
Dahil dito, nagpatupad ng bawas sa bilis ng andar ng tren ang LRT management na ibinaba sa 15 kilometers per hour mula sa normal na 40 kilometers per hour.
Nang maialis sa riles ang nagka-depektong tren ay naibalik naman sa normal ang bilis ng takbo ng mga tren bago mag-alas 7:00 ng umaga.
Gayunman, ang sandaling aberya ay nagdulot na ng mahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon partikular sa EDSA, Roosevelt, Balintawak, Monumento, 5th Avenue, R. Papa, at Abad Santos.
As of 8:42 ng umaga, sinabi ng LRT management na 28 tren nila ang bumibiyahe ng normal.