Typhoon Mangkhut lumakas pa; mapapaaga ang pagpasok sa bansa – PAGASA

Lalo pang lumakas ang Typhoon Mangkhut habang ito ay papalapit ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,390 kilometers east ng Southern Luzon.

Lumakas pa ito at taglay na ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 245 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, kung hindi magbabago ang kasalukuyang kilos ng bagyo ay maaring makapasok na ito ng bansa ngayong umaga.

Ngayong araw din ay inaasahang maglalabas na ang PAGASA ng sever weather bulletin para sa nasabing bagyo na tatawaging Ompong pagpasok ng bansa.

Sa susunod na apat hanggang limang araw ay tatahakin ni Ompong ang Northern Luzon.

Samantala, magiging maganda pa rin naman ang panahon ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng Habagat ang Palawan, Western Visayas, at Western Section ng Mindanao kaya ang nasabing mga lugar ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng maalinsangang panahon na mayroon lamang isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Read more...