Sa isang pahayag, sinabi ng DPWH na nagbaba na ng isang memorandum si Sec. Mark Villar para sa mobilisasyon ng Regional at District Disaster Response teams ng kagawaran sa buong bansa para tiyakin ang structural integrity ng mga kakalsadahan, tulay at matataas na public buildings.
Nagdeploy na rin ng available na heavy equipment at operators sa mga vital road sections at landslide-prone areas para sa clearing operations at madaling pagsasaayos ng mga masisirang tulay at kalsada.
Ito ay upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang disaster response activities ng iba pang ahensya ng gobyerno.
Pinababantayan din sa mga team ang national roads at bridges at kinakailangang magsumite ang mga ito ng situational reports kada anim na oras.
Matapos ang pananalasa ng bagyo ay responsable rin ang mga ito sa assessment sa pinsala sa mga istruktura.