‘Yan ang nais na marinig ng mga mamamayan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang magsagawa ng “address the nation” o, mamayang alas-tres ng hapon.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, mas dapat ihayag ni Presidente Duterte kung paano reresolbahin ng gobyerno ang nagtataaasan na presyo ng mga bilihin at serbisyo, at mahabang pila sa mga bilihan ng bigas.
Bukod dito, sinabi ni Reyes na tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Giit ni Reyes, inflation at hindi ang umano’y gawa-gawang destabilization plot ang dapat talakayin ng pangulo sa kanyang pagsalang sa address the nation.
Muli ring pinabulaanan ni Reyes ang umano’y tsismis na ikinakalat ng Malakanyang tungkol sa massive destabilization sa September 21.
Aniya, gugunitain ng iba’t ibang mga grupo ang martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na sasabayan ng pagkilos laban sa “tyranny” o diktaturya sa kasalukuyang administrasyon.