Ekonomiya ng bansa masigla sa kabila ng 6.4 percent na inflation – Malakanyang

Naninidgan ang Malakanyang na masigla pa rin ang ekonomiya ng bansa.

Ito ay kahit na pumalo na sa 6.4 percent ang inflation sa buwan ng Agosto at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tumaas ang manufacturing rate sa bansa pati na ang gross domestic product.

Katwiran pa ni Roque, bumaba rin ang unemployment rate sa bansa matapos ihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na umabot sa kalahating milyon ang nadagdag na trabaho sa buwan ng Hulyo.

“Hindi ko po alam kung ano ang sinasabi nilang istilo, dahil ang ekonomiya naman bagama’t meron tayong problema sa inflation ay talaga naman pong patuloy ang pag-unlad natin. Kahapon lang po sa press briefing sa Malacañang, nabasa ko na ang unemployment rate natin pinakamababa; ang manufacturing rate natin pinakamataas at patuloy pa rin ang pagtaas ng ating GNP,” ani Roque.

Gayunman, inamin ni Roque na may problema pa rin ang ekonomiya ng bansa.

Pero ito aniya ay hinahanapan na ng solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...