Bagyong Neneng lumakas pa isa nang tropical storm paglabas ng bansa

Lumakas pa ang bagyong Neneng nang ito ay makalabas ng bansa.

Ang bagyo na may international name na “Barijat” ay isa nang tropical storm at taglay ang lakas ng ganging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Huling namataan ang bagyo sa 350 kilometers west ng extreme Northern Luzon.

Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras at patungo na sa Southern China.

Bahagya naman nang nababawasan ang epekto ng bagyo sa Northern Luzon.

 

Read more...