Typhoon Mangkhut lumakas pa habang palapit ng bansa

Lalo pang lumakas ang Typhoon Mangkhut habang ito ay kumikilos papalapit ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,845 kilometers East ng Southern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers bawat oras malapit sa gitna.

Bahagyang bumagal ang kilos ng bagyo na ngayon ay kimilikos sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Ang bagyo ay maaring pumasok sa bansa bukas ng tanghali at papangalanan itong Ompong.

Ayon sa PAGASA, nagbabanta ito sa Northern Luzon at maaring daanan ang Cagayan – Batanes area sa Sabado, September 15)

Bukas ng gabi ay maaring magtaas na ng Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) number 1 ang PAGASA.

Maari ding pag-ibayuhin ng bagyo ang Southwest Monsoon at maaring magdulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas at Palawan simula sa Huwebes, September 13.

Read more...