Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel, nagsasagawa ng Anti-Criminality Campaign ang mga tauhan ng Raxabago Police Station Police Station -1 hanggang Police Station 11 kung saan inanyayahan ang 421 katao dahil sa ibat-ibang mga paglabag sa mga ordinansa.
Kabilang sa mga nilabag ng mga dinakip na indibidwal ay ang pag-iinum sa pampubliko lugar, paglabas ng walang damit na pang itaas, naninigarilyo sa pampublikong lugar, at mga menor de edad na lumabag sa curfew hours.
Paliwanag ni Supt. Manuel, mahigpit ang ipinalabas na kautusan ni MPD District Director Chief Supt Rolando Anduyan na tiyaking naipatutupad ang mga umiiral na ordinansa ng lungsod upang magkaroon ng disiplina ang publiko.
Umaasa si Manuel na tatalima na ang mga Manilenyo sa umiiral na mga Ordinansa para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng Maynila.