Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tanging ang amnestiya ni Trillanes pa lamang ang idinideklarang walang bisa o null and void ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, base sa kanyang pagkakakaalam, walang ilalabas na bagong proklamasyon ang pangulo para bawiin ang amnestiya ng ibang sundalo gaya ni Magdalo Rep. Gary Alejano at iba pa.
Pinaninindigan ng Malakanyang na ang pagiging lider ni Trillanes sa dalawang kudeta ang isa sa mga naging basehan ng pangulo para ipawalang bisa ang amnestiya.
“I’m not aware. Senator Trillanes has a declaration is so far the only that the President has proclaimed to be null and void ab initio and on good basis, there’s a basis for distinction because Trillanes was the acknowledged leader of the Magdalo mutineers,” ani Roque.