Zamboanga Del Norte niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Jose Dalman (Ponot) sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ayon sa datos mula sa Phivolcs, ang lindol ay naganap alas 5:53 ng umaga ng Martes, Sept. 11 at ang epicenter ay naitala sa 67 kilometers North west ng Jose Dalman.

27 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...