Typhoon “Mangkhut” patuloy na lumalakas habang palapit ng bansa

Patuloy na lumalakas ang bagyong may international name na “Mangkhut” habang ito ay papalapit ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang Typhoon “Mangkhut” ay huling namataan sa 1,820 kilometers East ng Southern Luzon kaninang alas 4:00 ng madaling araw.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Bukas ng tanghali hanggang hapon ay inaasahang papasok ito ng bansa at papangalanan itong Ompong.

Sa sandaling makarating sa bansa ay maaring maabot nito ang super typhoon category.

Ayon sa PAGASA, aabot kasi ng 210 kilometers bawat oras ang lakas ng hangin na taglay ng bagyo.

Sinabi ng PAGASA na sa Biyernes ay mararamdam na ang hagupit ng bagyo at magiging maulan na sa Northern at Central Luzon.

Read more...