Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Tarragona sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ang lindol sa 24 kilometers south east ng Tarragona alas 4:31 ng madaling araw ng Martes, Sept. 11.

Ayon sa Phivolcs, 4 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahan ang afterschocks bunsod ng pagyanig at wala din itong maidudulot na pinsala.

Read more...