Epektibo na ngayong araw ng Martes, September 11, ang panibagong pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo.
Madadagdagan ng 65 sentimo ang bawat litro ng diesel, gasolina, at kerosene o gaas mamayang alas-6 ng umaga.
Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanyang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, at Total.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagkaroon ng pagmamahal sa presyo ng mga petroleum products.
Mula January ngayong taon, tumaas na ng P14 hanggang P16 ang bawat litro ng diesel, P12 para sa kada litro ng gasolina, at P12 hanggang P18 sa bawat litro ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES