Sa 4AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 295 kilometers west ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Dahil sa paglabas ng bansa ng bagyo inalis na ng PAGASA ang signal number 1 na itinaas sa Batanes.
Gayunman, ang buntot ng bagyong Neneng ay maghahatid pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Provinces, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.