Mga residente sa Luzon, pinaghahanda sa Typhoon Mangkhut

Credit: DOST PAGASA Facebook page

Pinaghahanda ng PAGASA ang mga residente sa ilang bahagi ng Luzon para sa Typhoon Mangkhut na tatawaging Bagyong Ompong pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Ayon kay weather forecaster Aldczar Aurelio, habang wala pa ang Bagyong Ompong ay maghanda na, alamin ang ligtas na lugar kung sakaling may malakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Northern at Central Luzon sa Huwebes o Biyernes.

Huling namataan ang Typhoon Mangkhut sa 2,255 kilometers east ng Southern Luzon taglay ang hangin na 150 kilometers per hour at bugsong 185 kilometers per hour. Tinatahak nito ang direksyong Westward sa bilis na 35 kilometers per hour.

Sinabi ng PAGASA na posible itong mag-landfall sa Cagayan-Batanes area.

Lunes ng hapon ay nakataas na ang Signal No. 1 sa lalawigan ng Batanes.

Read more...