Sa kanyang 15-pahinang komento, sinabi ni Trillanes, sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Reynaldo Robles, nasa batas na ang tumanggap ng amenstiya ay inosente.
Iginiit ng Senador na hindi pwedeng ipawalang-bisa ang amnesty dahil interes ng publiko na ang taong binigyan nito ay inosente dahil lumalabas na wala itong nagawang anuman na kailangan ng parusa.
Dagdag ni Trillanes, ang kaso niya na ibinasura 7 taon na ang nakalipas ay final and executory na.
Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Makati RTC Branch 148 na maglabas ng arrest warrant at HDO laban kay Trillanes kasunod ng pagpapawalang bisa sa amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino.