Duterte may importanteng pahayag sa publiko bukas

Inquirer file photo

Magpapatawag ng press conference si Pangulong Rodrigo Duterte bukas ng alas-tres ng hapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng pangulo na kausapin ang sambayanan.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Roque kung anong partikular na paksa ang sasabihin bukas ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Roque, hindi niya batid kung ito ay patungkol sa amnesty ni Senador Antonio trillanes IV, o ang inflation o ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin o ang napaulat na pagsibak kay National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino dahil sa hindi masolusyunang problema sa suplay ng bigas.

Dagdag ni Roque, pinapalantsa pa ang venue kung sa New Executive Building isasagawa ang press conference.

Pagkatapos aniya ng press conference bukas, magpapatawag naman ang pangulo ng cabinet meeting sa Malacañang.

Matatandaang katatapos lamang ni Pangulong Duterte ng official visit sa Israel at Jordan.

Read more...