Nakatakda na namang magtaas bukas sa halaga ng mga petroleum products ang mga kumpanya ng langis.
Simula alas-sais bukas, araw ng Martes ay ipatutupad ng mga oil companies ang ikalimang serye ng oil price increase.
Sa advisory na ipinadala sa Department of Energy, aabot sa P0.65 ang dagdag sa bawat litro ng diesel, sa gasolina ay P0.65 kada litro samantalang P0.65 rin sa bawat litro ng gaas o kerosene.
Isinisisi sa mataas na presyo ng petrolyo sa world market ang panibagong oil price increase.
Sa tala ng DOE, ang presyo ng gasolina sa Metro Manila ay naglalaro sa pagitan ng P47 hanggang P64, ang diesel ay sa pagitan ng 42.30 hanggang P48.10 samantalang mula P47.42 hanggang P52.66 naman sa presyo ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES