Pahayag ni Trillanes na imbestigahan ang pagkakapasa sa Bar exams ni Pangulong Duterte sinopla ng IBP

Sinopla ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang plano ni Sen. Antonio Trillanes IV na paimbestigahan ang pagkakapasa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bar exam.

Sinabi ni Trillanes na duda siya sa pagkakapasa ng Pangulo sa bar exam dahil posibleng nilakad lang daw ng ama ni Duterte na noon ay gobernador ang pagkakapasa nito bilang abogado.

Pero ayon kay IBP Executive Vice President Atty. Domingo Cayosa, hindi basta-basta ang prosesong pinagdadaanan ng mga bar passers kayat imposibleng pekehin ito.

Aniya mula sa pag-apply hanggang sa pagkuha ng pagsusulit ay mabusisi ang dadaanang proseso kaya marami rin ang hindi pumapasa.

Kaya naman ang payo ni Atty. Cayosa kay Sen. Trillanes, pumunta lamang sa website ng IBP at i-check doon kung pumasa nga ba ang Pangulong Duterte.

Naniniwala rin si Cayosa na nasabi lang ni Trillanes ang pagsilip records ni Duterte dahil sa pulitika. /

Read more...