Most wanted na kriminal sa Taiwan, nadakip sa Cainta, Rizal

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang No. 1 most wanted na kriminal sa Taiwan.

Kinumpirma ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nakakulong na sa BI Detention Center sa Bicutan si Oren Shlomo Mayer.

Si Mayer ay pinaghahanap ng mga otoridad sa Taipei dahil sa pagpatay, pagchop-chop sa labi at pagtapon ng bangkay ng isang Canadian teacher.

Naaresto si Mayer noong September 6 sa Cainta, Rizal ng pinagsanib na pwersa ng BI-Fugitive Search Unit at PNP.

Nakatakda umanong ipadeport si Mayer para maiharap ito sa paglilitis sa kasong pagpatay kay Sanhay Ryan Ramgahan noong August 21.

Nabatid na si Mayer na nagtatago rin sa alyas na “Oz Diamond” ay dumating sa bansa Maynila noong August 25, apat na araw matapos masangkot ang kanyang pangalan at ang dalawang iba pang suspek sa pagpatay kay Ramgahan sa Yonghe District sa Taipei.

Sinabi naman ni BI Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Raquepo na si Mayer ay hinihinala ring big time supplier ng marijuana sa Northern Taiwan at ang pagpatay sa biktima ay maaring kunektado sa iligal na droga.

Read more...