19 patay sa pagbagsak ng eroplano sa South Sudan

Courtesy: Radio Miraya Twitter

Patay ang 19 katao nang bumagsak ang isang pampasaherong eroplano sa lawa sa sentro ng South Sudan. Apat naman sa mga sakay nito ang nakaligtas.

Ayon sa Regional information minister ng Eastern Lakes state na si Taban Abel Aguek, sakay ng maliit na eroplano ang 23 pasahero nang mag-crashed ito sa central town ng Yirol.

Sinabi ni Abel na kabilang sa mga nakalitas ay isang Italian citizen. Kinumpirma rin nito na isa sa mga nasawi ay ang Anglican Bishop ng Yirol, na si Simon Adut.

Kumpirmdong nasawi rin sa nasabing aksidente ang Piloto at co-pilot ng eroplano, staff member ng International Committee of the Red Cross, ang isang Ugandan na nagpapatakbo ng private clinic sa Yirol, isang government official at dalawang army officers.

Nabatid na maulap umano sa lugar nang papalapag na ang eroplano Sudan nang mangyari ang aksidente.

Ibinahagi naman ng UN broadcaster na Radio Miraya ang litrato ng nagkalasug-lasog na bahagi ng eroplano habang nakalubog sa lawa sa bayan ng Yori.

Read more...