Huling namataan ang Severe Tropical Storm “Mangkhut” sa layong 3,255 kilometers East ng Southern Luzon o sa labas ng PAR na may hanging aabot sa 110 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers kada oras.
Habang kumikilos sa bilis 35 kilometers kada oras patungong Northern Mariana Islands.
Ang low pressure area (LPA) naman na binabantayan ng PAGASA ay namataan sa 145 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.
Magdudulot ito ng moderate to occasional heavy rains sa Batanes at Babuyan Group of Islands, habang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms naman ang mararanasan sa Northern Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga at Ilocos Region.
Ang LPA na namataan sa Batanes ay posibleng maging Tropical Depression sa loob ng 1 hanggang 2 araw.
Papangalanang “Ompong” ang Severe Tropical Storm Mangkhut kapag pumasok ito sa PAR, samantalang papangalanan namang “Neneng” ang LPA kapag naging ganap na itong bagyo at pumasok sa Pilipinas.